You are viewing [info]keavy_nine's journal

[icon] tumalikod palayo sa huling sandali. - sino ka kaya dito? :)
View:Recent Entries.
View:Archive.
View:Friends.
View:User Info.
View:Website (My Website).

Current Music:fast car-MYMP
Security:
Subject:sino ka kaya dito? :)
Time:12:17 am
Current Mood:drunkdrunk
The Rules:
1.) Write something about 15 different people.
2.) You can NOT say who they are.
3.) If someone asks you which one is about them, you can NOT tell.

1. sobrang miss ko na tong taong to. nakilala ko siya nung first year, magkaklase kami sa I-1, tapos partly nung II-1, pero nalipat siya sa II-9. sobrang nalungkot ako nun. :( kabarkada ko din siya at besty. hindi na kami masyadong nagkakasama ngayon kaya wala nakong masyadong alam sa kanya, pero nevertheless, isa siya sa mga pinakamahal kong tao sa mc. :)

2. grabe yung utak namin nitong taong to, halos pareho na kami ng mga naiisip. kakilala ko na siya mula nung gradeschool, schoolmate, busmate at teammate ko. :) tapos, nung highschool, pareho kaming lumipat sa mc, at busmates kami ulit. kasama ko din siya sa PETA, at sa paglalakad at pagmumunimuni sa UP. sobrang importante nito sakin, hindi ako buo kung wala tong taong to.

3. ito ang besty ko. madalas kaming hindi magkaintindihan pero kahit anong mangyari alam naman naming mahal na mahal namin ang isa't-isa. kasama ko to sa pagtambay sa jasms nung mga panahong isinusuka na namin ang mga bago naming eskwelahan, oo, dadating kami sa jasms araw araw kahit may exams kinabukasan. sa kanila ako nagpasko last year, parte na nga talaga ako ng pamilya. siya ang nagmulat sakin sa maraming kabalastugan. :) bwahahahaha. kainuman ko din to lagi, chaka kamurahan pag bangag na kami pareho. mahal na mahal ko to, sobra.

4. minahal ko tong taong to ng sobra. nung first year, siya yung naging mundo ko. naging matalik kami magkaibigan pero minahal ko siya ng higit pa don *eeek, cheesy.* tapos ngayon, malapit lang siya sakin, nagkikita parin kami araw araw, pero wala nang koneksyon. nakakahinayang.

5. nakasama ko tong taong to sa PETA, siya yung inidolo ko nung unang beses akong mag workshop sa teen theater. :) hindi ko naisip na magiging malapit kami sa isa't isa. :) sobrang bangag ng taong to, iyakin naman. konek? :) siya yung parang ate ko, na kahit magulo yung mga sinasabi parang parating may sense. siya yung may jowa dun sa lalaking gwapo na magaling kumanta at mag gitara. :) yakap nito yung hahanapin mo pag magulo yung mundo mo. miss ko na to, sobra.

6. kaklase ko to sa I-1. naging seatmate ko. :) certified fashionista siya, as in pareho kami ng taste sa mga bagay bagay. :) naging kaklase ko siya ulit sa III-4 at minahal ko mas lalo nung retreat. at oo, siya ang unang nagpaiyak sakin ng grabe nung retreat, mahal ko to. owrenge dyus? :)

7. ito clubmate ko nung 1st year, tapos naging sobrang talik na kaibigan ko nung 2nd year. isa siya sa mga tinuturing ko na pinakaimportanteng tao sakin ngayon. kahit na corny lahat ng sinasabi niya at mabagal siyang pumick-up. :) siya yung matyagang nakikinig sa mga kwento kong bangag, sa mga tagumpay at kabiguan ko. nagkaron kami ng maraming hindi pagkakaintindihan pero hindi yun ang nakasira ng pagkakaibigan namin. :) naniniwala akong biyaya talaga siya ng Diyos para sakin. :)

8. kapatid ko to sa Diyos. pag kasama ko siya sobrang laugh trip. :) napapasaya niya ang maraming tao. :) madami siyang nagagawang incredible things, katulad nang pakikipagfriends niya kina tita connie at roxy. :) niahahahaha. mahal na mahal ko tong bruhang to. :)

9. ngayong sy lang kami nagkakilala, kaklase ko siya sa III-4. sobrang mahal ko tong taong to :). magaling na manunulat at alagad ng sining. :) kadalasan, sinasabi niya yung mga bagay na nasa utak ko, bangag. :) ayun, lagi din siyang bangag. :) natutuwa ako sa kanya sa di ko malamang dahilan. nakakaawa din siyang umiyak, tapos ang sarap i-hug. :) mahilig din siya sa OPM, at handa parin siyang mamatay para sa mga pilipino :) haha. kakaiba tong taong to, sobrang sobrang bait niya. kakaiba talaga. love na love ko to. :)

10. ito super ate ko. :) madalas promblemado din siya pero sobrang naglalaan siya ng oras na pakinggan ang mga problema ko. :) nakilala ko siya nung 1st year ako, siya naman, 4th year na noon. :) nagsimula sa kwentuhang long test na umabot na sa mga reklamo namin sa buhay at buhay pag-ibig. sobrang pinapagalitan niya ko pag gising pako at late na, tapos nireremind ako na mag aral para sa isang lt or watever, ateng ate. :) mahal na mahal ko to. :)

11. naging kaklase ko to sa II-1. nirerespeto ko tong taong to sa pangangahas niya na kumaiba sa nakararami at kuamalas sa sistema ng mga bagay na nakagawian niya. wala siyang pakielam sa sinasabi ng ibang tao, hanggang tama ang ginagawa niya. magaling tong artista. hindi ako pinaproblema nung play prod. :) isa tong totoong tao na talaga namang kahanga-hanga. :) isa na siya sa mga tinuturing kong tunay na kaibigan, yung mga tipong pangmatagalan.

12. honey ko. :) niahahaha. madami kaming pinagdaanan nito, sobra. sa isang taon lamang, madami na masyadong nangrayi. naging isang tunay na kaibigan to sakin, kahit na nagkaron ng "medyo" maraming problema sa pagitan namin. madami akong natutunan dito sa taong to. akalain mo, inaway ko si person #7 dahil dito, ganon siya kaimportante sakin. madalas, pakiramdam ko taken for granted ako nito, pero magaling naman bumawi. :) mahal ko to, sobra. :)

13. ito ang babaeng sagana sa plano. hahaha. andaming gusto, walang matuloy-tuloy. nung grade 7, inaaway ko to halos araw araw, sa pinakamaliliit at malalaking dahilan. lagi ko tong sinesermonan, pero love niya parin ako. :) sobrang tiyaga ng taong to sakin, siya yung ulitimate na kumaya sa mga kasungitan ko. mahal ko to. :)

14. pag ginagabi ako sa jasms, siya yung sumasama sakin. samin ng besty ko. :) sobrang gentleman, promise. swerte talaga magiging gf nito. :) [saguutin mo na kasi _____ :) joke.] pinagtataxi kami nito, sagot niya, minsan hindi pa talaga makatiis, para siguradong safe kami, ihahatid pa kami. :) ito ang umalalay samin ni besty nung nasobrahan kami sa alkohol, ito yung hindi basta nang iiwan sa ere. ito yung naniniwala "daw" pag sinasabi naming kaya pa namin maglakad pero aalalay parin. :) ito yung isa sa mga pinaka dabam na nakilala ko sa jasms, mahal ko to :)

15. madalas, naiisip kong nalilimutan na niya ko. madami na kasi siyang ibang kaibigan. minsan nahihiya nakong mag-hi, kasi parang hindi siya masaya pag nakikita niya ko. matagal na kaming magkaibigan nito. dito talaga, pakiramdam ko madalas, taken for granted ako. pero kahit na ganon, mahal na mahal ko parin siya. isa siya sa mga ginto ko eh. miss ko na tong taong to, sobra.

dadagdagan ko next time.Ü
comments: Leave a comment Previous Entry Add to Memories Share Next Entry


[info]kantanod
Link:(Link)
Time:2005-08-15 03:45 am (UTC)
gaya ako ha.

parang isa lang ang nasagot ko (malamang). yung kay julia.

(Reply) (Thread)


[info]keavy_nine
Subject:gaya gaya!
Link:(Link)
Time:2005-08-15 10:44 am (UTC)
haha. sige lang :)
(Reply) (Parent) (Thread)


[info]camote_queen
Link:(Link)
Time:2005-08-16 10:06 am (UTC)
awwww. hahahaha. 11! haha. wag mo bisitahin ung lj ko. sobrang di updated.
(Reply) (Thread)

(Anonymous)
Subject:yesss
Link:(Link)
Time:2005-08-29 04:37 am (UTC)
ansaya.. #8! after 48 years! ngyon ko lng nahanap, :D thanks keavy!! *mwah!*
(Reply) (Thread)

[icon] tumalikod palayo sa huling sandali. - sino ka kaya dito? :)
View:Recent Entries.
View:Archive.
View:Friends.
View:User Info.
View:Website (My Website).